Lunes, Mayo 27, 2013

The Surrender

"Boys uses the word friendship to start love. Girls uses the word friendship to end love."

Palagay ko ito na nga yon. Nagsimula kami maging magkaibigan, sa facebook, sa personal, ngayon, inunfriend na rin nya ko sa fb. Wala naman ako magagawa. Nangyari na ito dati, inunfriend nya ko, tapos inadd uli. Inaccept ko naman. Ngayon tinanggal nya ulit ako sa list of friends nya. May isang bagay na di ako sigurado; kung sa fb lang kaya o ayaw na nya talaga ko maging kaibigan kahit sa personal?

Ito na siguro yun. Sumusuko na siya sa akin. Hindi ko pa naririnig sa kanya, pero parang nararamdaman ko na. Halos di na rin kami nagpapansinan. Saka naisip ko na rin sabi nya dati "Pag nagkabalikan kayo, baka i-unfriend kita, o i-block, hindi ko alam. Syempre pag magfa-facebook ako makikita ko lang yung mga pictures nyo, mga wallpost nya sa'yo." Naiintindihan ko, nasasaktan siya. Hindi naman applicable sa akin ang word na "nagkabalikan" pero napapadalas na rin ang wallpost sa akin ng "x" ko. Aminin ko man o hindi, napapasaya ako sa mga post na yun.

Siguro nga pinapakawalan na nya ako. sabi nga nya sa isang photo album niya para sa akin galing sa kantang "Somewhere Down the Road", "
Letting go is just another way to say, I'll always love you so." Pinapakawalan niya ako dahil mahal niya ako.

Hindi ko maintindihan pero hanggang ngayon, sa isip ko at sa puso ko, sya yung tipo ng taong kahit ano pang maging laki ng pag-aaway namin o 'di pagkakasundo, magkita lang kami o magkatinginan pawi na lahat. Naalala ko yung mga mata niyang sobrang sincere. "Eyes are windows of the soul" ika nga. Kahit pa ayaw na niya ako, di pa rin magbabago pagkakakilala ko sa kanya. Napakabuti niya.

Nakakatawa lang kasi naaalala ko pa, tuwing sinasabi niyang may gusto siyang kaibigan ko, nagseselos ako. Alam kong wala sa lugar pero, sinasabi ko pa rin sa kanya. Totoo, may kurot e. At bago niya ko tanggalin sa list of friends nya, may nakita ulit akong litrato nya, may kasamang babae. May kurot din pero hindi ko na lang masyadong pinansin. Masyado na kasi akong wala sa lugar. At ngayong ayaw na niya, sabi niya "ngayon alam ko na kung saan ako lulugar", ganun din ako; kaylangan ko lumugar.


Sino ba naman ako para panghawakan siya? Buhay niya iyan. Isa pa wala akong karapatan. Masyado ko na siyang nasaktan. Pero tulad nga ng sinabi ko, habang buhay ko pagpapasalamat na naging bahagi siya ng buhay ko. Ang swerte ko, kasi hindi lahat ng tao nakakakilala ng tulad niya. "One of a kind", ika nga. Kahit kailan hindi ko sya narinig nanumbat. Lahat ng pag-intindi ibinigay niya sa akin. Sobrang pasensyoso, maunawain, kahit pa siya yung nasa bingit ng alanganin.

Kahit na ano pa ang kahintnan namin, ito yung bagay na gusto ko sanang isapuso at isaisip niya: nandito pa rin ako, magbago man ang pagtingin namin sa isa't-isa, nandito pa rin ako. Hindi ko matatanggihan ang isang taong naging espesyal at nagparamdam sa akin na espesyal ako sa kanya. Hindi ko alam kung kakaibiganin pa rin niya ako, sa fb at sa personal. Pero lahat ng pinagsamahan namin, kahit kailan hindi ko babalewalain.

Sana makakita siya ng babaeng magugustuhan niya ng higit sa nakita niya sa akin(kung hindi talaga kami para sa isa't-isa), at mamahalin siya ng sobra sobra; 'di siya sasaktan at kahit kailan hindi niya mararamdaman na nag-iisa siya. Mahirap pa rin magsalita ng tapos. Hindi ko alam kung kelan ang totoong farewell o kung magkakafarewell ba ang love story namin pero alam kong "God has PERFECT plans for him, not BETTER." 



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento